← Back to Home

ALAMIN: Mga maling paniniwala sa sleep paralysis

Published: 4/2/2026, 2:00:00 AM

Updated: 4/2/2026, 2:00:04 AM

Word Count: 686 words

MAYNILA — Sa mitolohiyang Pilipino, tanyag ang isang masamang karakter na naging simbolo ng kasawian ng isang tao: si Bangungot.

Isa siyang mataba at mapaghiganting demonyo na umuupo sa dibdib ng kanyang biktima upang sumikip ang dibdib at magdulot ng pamamanhid sa katawan.

Ang karakter na ito ay kabilang sa mga pamahiin ng mga Pilipino kung saan ang sleep paralysis ay may dalang panganib sa isang nilalang. Ngunit may ibang paliwanag ang agham sa paniniwalang ito.

Sa isang talakayan ng “Klinika 630” na ipinalabas noong Marso 26, 2026, pinag-usapan nina Dr. Denis Ngo at Winnie Cordero kung bakit at paano nagkakaroon ng sleep paralysis.


ANO ANG SLEEP PARALYSIS?

Ang sleep paralysis ay isang kaganapan kung saan hindi mo maigalaw ang iyong katawan habang natutulog o gumising ng ilang segundo o minuto. Ito ay isang uri ng “parasomnia”, o isang disruptive behavior na nakakaapekto sa pagtulog.

Sa ikaapat na stage ng pagtulog na tinatawag na rapid eye movement (REM) sleep, mahimbing na natutulog ang isang tao at nagkakaroon ng malinaw na panaginip, habang ang katawan ay nasa “atonia”, isang protective mechanism ng utak upang hindi maisakilos ng katawan ang mga panaginip.

Ngunit kapag bigla kang nagising mula sa REM sleep, babalik ang iyong kamalayan kahit nasa “atonia” pa ang iyong katawan. Ang resulta, inaakala ng utak mo na ikaw ay paralisado.


MGA SINTOMAS AT SANHI

Tinatayang 30% ng kabuuang populasyon ay nakaranas na ng sleep paralysis nang isang beses sa kanilang buhay. Bukod sa kawalan ng kakayahang igalaw ang katawan, ito ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na sintomas:


Hindi pa masyadong naiintindihan ang mga sanhi ng sleep paralysis, ngunit maaari itong maiuugnay sa:


MGA MALING PANINIWALA

Maituturing na isang kakaibang karanasan ang sleep paralysis, kaya nagkakaroon ng mga maling paniniwala ang mga tao dito. Narito ang iba’t ibang mga pamahiin at ang katotohanan sa likod ng mga ito:


Myth #1: Nakaupo si Bangungot sa iyong dibdib.

Katotohanan: Gumagana pa rin ang diaphragm mo kahit nasa “atonia” pa ang chest muscles mo, kaya hindi buwelo ang paggalaw ng diaphragm mo. Dahil dito, akala ng utak mo ay may irregular pattern ang iyong pahinga.


Myth #2: Kinukulam o sinasapian ka.

Katotohanan: Ito ay kombinasyon ng kawalan ng abilidad na makagalaw at ng mga guni-guni habang natutulog. Ang takot na nararamdaman mo sa iyong panaginip ay humahalo sa realidad, kaya akala ng katawan mo ay may maligno.


Myth #3: Maaari kang mamatay sa sleep paralysis.

Katotohanan: Hindi mapanganib sa buhay ang sleep paralysis dahil pansamantala lang itong nangyayari sa katawan mo. Pagkatapos mong dumanas ng sleep paralysis, babalik sa normal ang estado ng katawan mo.


Myth #4: Bawal matulog kapag ikaw ay busog.

Katotohanan: Totoo na bawal kang matulog kapag ikaw ay busog, ngunit hindi ito nagdudulot ng sleep paralysis. Sa halip, maaari kang magkaroon ng acid reflux o heartburn.


Myth #5: Nakatalukbong ka habang natutulog kaya ikaw ay napaparalisa.

Katotohanan: Maaari kang mahirapan sa paghinga at paggalaw kung nakatalukbong ka dahil limitado ang iyong hangin at espasyo, ngunit wala itong nakikitang koneksyon sa sleep paralysis.

'Bangungot' triggered by heart disorder, not bad dreams — specialists


PAANO ITO MAIIWASAN?

Walang konkretong paraan upang maiwasan ito dahil normal siyang mangyari sa katawan. Ngunit, maaari mo itong gawin upang bumaba ang ang tsansa na magkaroon ng sleep paralysis:


Maaari ka ring kumunsulta sa doktor upang mabigyan ng lunas sa pabalik-balik na sleep paralysis. Maaari kang irekomenda ng mga sumusunod:


RELATED VIDEO:


Related Articles