← Back to Home

Suspek sa pananakit ng 5-taong-gulang arestado

Published: 4/2/2026, 7:30:06 AM

Updated: 4/2/2026, 1:01:17 PM

Word Count: 274 words

MAYNILA (UPDATE) — Kinumpirma ng pulisya ngayong Huwebes na nahuli na ang suspek sa likod ng pananakit sa limang-taong-gulang na lalaki sa Barangay NBBS Proper, Navotas City. 

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya hanggang sa makatanggap ang mga ito ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot ng suspek sa krimen at puntahan ito sa kanyang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napagalamang kalaro pa umano  ng biktima ang  suspek.

“Naglalaro pala itong tatlong bata kasama yung suspek. Doon namin nakita sa cctv, Akay-akay ng suspek yung dalawang bata, naglalakad sila palabas. Itong victim natin sumusunod lang sa kanila,” ayon kay Col. Renante Pinuela, hepe ng Navotas Police.

Ipinakita naman ng imbestigador ang litrato ng suspek sa biktimang kasalukuyang nasa ospital.

Dito na kinumpirma ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek.

Hindi na nagtangka pang tumakas ang suspek at sumama na lang sa mga pulis.

“Ayaw na niya magsalita, voluntary, walang ka ano-ano yung suspek namin. Actually, kung makikita niyo yung mugshot, nakangiti pa eh,” dagdag ni Pinuela.

Nahaharap ito sa reklamong, Frustrated Murder at Violation of Section 10(a) in relation to Section 3 (b) (1) of RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Kwento naman ng ama ng biktima na sa kabila ng kritikal ng kondisyon bata ay patuloy itong lumalaban.

“Lumalaban, lumaban po siya. Gusto niya pa talaga ma buhay,” ani Jemuel Muleta, ama ng biktima.

Sa katunayan sabik na umanong umuwi ang kanyang anak.

“Tawag ko sa kanya, strong baby po eh. Gusto na niya pong umuwi,

napapagod na daw siya. Sabi ko, laban lang siya, pagaling lang siya,” dagdag niya.

Nagpaabot na din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng biktima.



Related Articles