← Back to Home

Pulis na konektado sa anti-drug ops, pinaslang sa Lanao del Sur

Published: 4/2/2026, 5:56:07 AM

Updated: 4/2/2026, 5:56:08 AM

Word Count: 383 words

MARAWI CITY — Patay matapos tambangan ang isang pulis na sangkot sa kampanya kontra ilegal na droga sa Lanao del Sur. 

Kinilala ang biktima na si PCpl. Walid Sangcopan, 42, nakatalaga sa Saguiaran Police Station bilang jailer at operatiba kontra ilegal na droga.

Pinaslang siya sa madilim na bahagi ng kalsada sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur noong madaling-araw ng Marso 28. 

Hinala ng mga awtoridad, maaaring may kaugnayan ang pagpatay sa kanilang pinaigting na anti-drug operations.

Ayon sa pulisya, galing sa checkpoint operation ang biktima bago nagtungo sa lugar kasama ang isang kaibigang sibilyan upang maghanap ng impormasyon para sa kanilang darating na operasyon. 

Dumaan umano ito sa bahay ng isang kakilala ngunit hindi ito nagising. Habang nasa gilid ng kalsada, doon na umano sila napansin ng mga suspek.

Nang paalis na, sinundan ng suspek ang biktima at agad pinaputukan. Una itong tinamaan sa leeg at muling binaril sa likod habang pilit na tumatakbo. 

Hindi na umabot ang biktima nang buhay sa ospital.

Isang basyo ng kalibre .45 ang natagpuan sa loob ng sasakyan kung saan naroon ang kasama nitong sibilyan.

Patuloy naman ang manhunt operation laban sa mga suspek na umano’y sakay ng motorsiklo.

Ayon sa pulisya, nakilala na nila ang mga suspek na umano’y may kaugnayan sa dating armadong grupo.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa pamilya ng mga ito upang maiwasan ang gulo—ngunit tuloy ang pagsasampa ng kaso.

Nilinaw naman ng pulisya na walang indikasyon ng rido sa insidente.

Sa halip, mas pinagtutuunan ng pansin ang posibleng koneksyon nito sa ilegal na droga.

"Kasi what happen in Mag Sur is allegedly in retalliation sa pagkahuli natin. Actually dito nahuli sa Saguiran yong financier nila ng DI (Dawlah Islamiyah), so for the past 3 months meron na tayong nahuli na mga 35 million worth ng shabu," sabi ni PCol. Ceazar Cabuhat.

"So sabi ko sa kanila, e profile namin yong lahat na nahuli tingnan natin kasi yun yung na-mislook natin. Yun pala ay member ng DI Maute, DI Hassan, DI Maute, sila ang financier. So they are resorting sa drug dealing as source of finance as of now," dagdag niya.

Samantala, nananawagan ang pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

4 soldiers killed in Lanao del Norte ambush




Related Articles