5-taong gulang kritikal matapos bugbugin, laslasan ang leeg, at hiwain ang tiyan
Published: 4/1/2026, 6:02:09 PM
Updated: 4/1/2026, 6:02:10 PM
Word Count: 308 words
MAYNILA -- Kritikal ang limang taong gulang na bata matapos bugbugin, laslasin ang leeg, at hiwain sa tiyan ng hindi pa nakikilang suspek sa Brgy NBBS Proper, Navotas City, Martes ng hapon, March 31.
Kuwento ng ama ng biktima, pasado alas dos, nagpaalam ang batang si Francis na maglalaro kasama ang mga pinsan at kapit-bahay.
DSWD extending help to girl who sought Marcos help vs kagawad
Pero nakauwi na ang iba niyang kasamahan maliban nalang kay Francis. Ilang oras nila itong hinanap hanggang sa matagpuan sa isang liblib na lugar sa barangay.
"Ang tagal na pala ni Francis doon. Ang dami nang dugo, tapos yung dugo niya tuyo na yung dugo. Matagal na pala siya doon, nakalabas na yung lamang loob niya, nagkalat na yung bituka niya. Demonyo ang gumawa,” salaysay ni Jemuel Muleta, ama ng biktima.
Sa kabila ng kritikal na kondisyon ng biktima, nagawa pa nitong i-kuwento ang nangyari sa kanya.
“Kausap ko ho siya, sabi ng nanay niya sa kanya, 'Nak, sinong gumawa sayo?' Sabi niya, 'Di ko kilala, Ma.' Sabi niya anong ginawa sayo? 'Binugbog ako Ma.' Tapos, ang huling tanong niya, 'Kilala mo?' Tapos, 'Bata ba?' 'Hindi, Ma. Hindi bata, hindi ko kilala',” ayon pa kay Jemuel.
Malaking palaisipan ngayon sa pamilya ng biktima kung bakit ganoon na lamang ang ginawa sa bata.
Dagdag pa ni Jemuel, wala silang kaalitan o kahit na anong makitang dahilan para may manakit sa kanilang kaisa-isang anak.
2 infants rescued from alleged baby-selling operations
“Hustisya lang talaga eh, tsaka, gusto ko itanong sa kanya, bakit yung anak ko? Five years old palang eh. Ba’t sa anak ko? Five years old yung bata, walang ka laban-laban,” ani Jemuel.
Hindi na muna nagpaulak ng panayam ang Navotas City Police, habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring krimen.
Nanatili namang nasa ospital at nakatakdang operahan ang batang biktima.
KAUGNAY NA ULAT:
Related Articles
- /news/nation/2026/4/2/dfa-iran-to-allow-safe-passage-of-ph-flagged-ships-seafarers-through-strait-of-hormuz-1726
- /news/nation/2026/4/2/supreme-court-ends-moves-to-shut-down-rappler-1644
- /news/nation/2026/4/2/hontiveros-slams-fake-news-peddlers-1634
- /news/nation/2026/4/2/suspek-sa-pagbugbog-paglaslas-ng-5-taong-gulang-arestado-1530
- /news/nation/2026/4/2/10-ofws-return-home-from-lebanon-1432