← Back to Home

58-anyos na ginang nagpapako sa krus ngayong Biyernes Santo

Published: 4/3/2026, 10:16:15 AM

Word Count: 501 words

Sa ilalim ng katirikan ng araw ay nagpapako sa krus ang 58-anyos na si Engracia Jumaquio Valencia sa Barangay Kapitangan, Paombong, Bulacan, eksaktong alas-12:03 ng tanghali ngayong Biyernes Santo, April 3, 2026.

Ika-39 na taon ng manghihilot at faith healer na mas kilala bilang 'Precy' sa pagpapapako sa krus bilang paggunita sa sakripisyo ng Panginoong Hesukristo, ayon sa kanyang asawang si Celestino Valencia. Ani Celestino, 16-anyos pa lang si Precy nang unang nagpapako sa krus noong 1984 sa Barangay Sto. Cristo, Paombong kung saan siya ipinanganak. Mula noon ay taun-taon na siyang nagpapapako sa krus tuwing Biyernes Santo. Nahinto lang ang tradisyon ng tatlong taon mula 2020 hanggang 2022 dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Pitong pulgadang concrete nail ang ginamit sa pagpako sa dalawang paa ni Precy habang tig-apat na pulagadang concrete nail naman ang ipinako sa dalawa niyang kamay. Ani Celestino, ang tatlong pako na ito ang ginagamit sa pagpapako kay Precy kada taon mula 1984. Para pangalagaan ang mga pako ay inilalagay ito sa isang bote at ibinababad sa langis.

Makikita sa video na bago ipako si Precy sa krus ay pinahiran ang kanyang paa at mga kamay ng alcohol. Pumirma din siya ng waiver, ayon sa kanyang asawa.

Bukod sa paglalagay ng alcohol ay wala nang ritwal si Precy bago ang pagpapapako sa krus, kwento pa ni Celestino. Sa karanasan aniya ay gumagaling na ang mga sugat sa kamay at paa ni Precy tuwing Sabado de Gloria pero inaasahang sa Pasko ng Pagkabuhay pa muling kakain ng solid food si Precy.

Bukod sa panghihilot ay abala din si Precy sa pananahi ng baro ng Poon. Si Celestino naman ay nagtatrabaho sa konstruksyon.

Pinaniniwalaan ng kanilang pamilya na mula 12-anyos ay sinaniban na ng Santo Niño de Cebu si Precy at mula noon ay naglakbay na siya sa iba't ibang simbahan. Balak ng kanilang pamilya na dumayo sa Tuburan, Cebu sa 2027 para doon magpapako si Precy sa huling pagkakataon bago siya magretiro.

Mariin naman ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa pagpepenitensiya sa pamamagitan ng pagsusugat sa sarili, at sa pagpapako sa krus. Sa isang replekyon na naitlathala noong April 16, 2025 sa CBCPNews na pinanamagatang 'Calvary Catholicism: Another look at Holy Week rituals' ni Fr. Danilo Franklin Pilario, CM, ipinaliwanag niya ang ang mga ritwal na ito ay mapang-abuso at pagbaluktot sa pananampalataya.

Ang CBCPNews ay pinamamahalaan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines Media Office.

"We see people following the stations of the cross, doing pabasa or Visita Iglesia — of all kinds and forms. Some flagellate themselves or have others whip them while they carry the cross. But what catches worldwide media attention are the ‘crucifixion rituals’ on Good Friday done in at least two places in the provinces of Pampanga and Bulacan.

"Mainstream churches distance themselves from many of these practices. Priests and pastors condemn them as abuses or distortion of the faith. But despite the warnings, thousands of ordinary faithful still flock to these curious celebrations of faith," ani Fr. Danilo Franklin Pilario, CM.

Related Articles