← Back to Home

Rocket-propelled grenade na ginamit sa ambush kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, isinuko

Published: 1/29/2026, 3:01:33 AM

Word Count: 485 words

Rocket-propelled grenade sa ambush kay Shariff Aguak mayor isinuko. Screenshot mula sa video mula kay Hadji Oping Ampatuan


COTABATO — Isinuko ng pamilya ng mga suspek sa awtoridad ang improvised rocket-propelled grenade o RPG na ginamit sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan.  

Ito ang sinabi ni Bangsamoro police director Brig. Gen. Jaysen De Guzman 

Ayon kay Bangsamoro police director Brig. Gen. Jaysen De Guzman, ayaw madamay ng mga pamilya ng mga suspek sa nangyaring pananambang kay Ampatuan noong Linggo ng umaga. 

"So this RPG will be turned over sa ating forensic group at sila 'yung mag-e-evaluate. So looking at it, we are looking at an improvised RPG. Kita niyo naman 'yung itsura eh. May mga parang pipe na binalot at may mga lock na ginawa," ani De Guzman sa ginanap na press briefing ng Special Investigation Task Group Mitra noong Miyerkules.

Shariff Aguak mayor nakaligtas sa pananambang

Una nang kinumpirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na ang tatlong lalaki na natagpuang patay sa loob ng mini van ay mga suspek sa pananambang kay Ampatuan.

Ayon kay Maguindanao del Sur Provincial Police Director Col. Salman Sapal, pinaghahanap ang dalawa pang suspek sa pananambang sa alkalde.

Haharapin umano nila ang kasong frustrated murder and attempted murder.

"As of this time, meron kaming nakikita 'yung dalawang natira na 'yung isa, 'yung driver at saka 'yung isa na walang sugat, pa-file-an namin ng kaso and other John Does," sabi ni Sapal.

Police probing gun-for-hire angle in ambush of Maguindanao del Sur mayor

Nanagawan siya sa publiko na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. 

"Ang ating end result is magkaroon tayo ng prosecution and bring those identified na mga personalities na into conviction... and siyempre 'yung eventually, ma-restore natin 'yung law and order dito sa sa Maguindanao del Sur, particularly dito sa Shariff Aguak," ani Sapal.


'MINI VAN NA GINAMIT SA AMBUSH DI REHISTRADO SA LTO'


Walang rekord sa Land Transportation Office ang mini van na ginamit ng mga suspek sa pananambang kay Ampatuan, ayon sa Highway Patrol Group (HPG) Maguindanao del Sur.

"Habang ang plate number naman na ginamit ay nakarehistro... double cab dropside 2000 model, kulay puti... naka-address sa Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Region 10," dagdag ni Maj. Jemu Remolete, hepe ng HPG Maguindanao del Sur.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng HPG para matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nagbabayad ng OR at registration ng sasakyan.

"So baka nagkaroon ng switching ng plates sa ito. Kaya ang ating HPG, sila'y mag-e-exert ng effort. Kaya nga with that chassis number, kumbaga 'yan 'yung pinaka-birth certificate ng sasakyan natin. And looking at all these vehicles na nandito, as experience coming from Region 10, mga imported ito na ipinapasok dito," ani De Guzman.

"Right hand vehicle mga 'yan. Right hand drive. And then it's being converted to left hand. And after mai-convert 'yan, binebenta rito which nirere-register muna sa ating LTO. So 'yan 'yung vehicle na 'yan."


PANOORIN



Related Articles