← Back to Home

Mga estudyante nangahas tumawid sa baha sa Bontoc, Southern Leyte

Published: 2/10/2026, 3:30:01 AM

Updated: 2/10/2026, 3:30:02 AM

Word Count: 163 words

Perwisyo ang idinulot ng malakas na buhos ng ulan sa mga estudyante sa Barangay Malbago, Bontoc, Southern Leyte, Lunes ng hapon, Pebrero 9.

Kahit delikado ay nangahas ang mga estudyante na tumawid sa ilog para makauwi ng bahay.

Kwento ng residenteng si Ruru Diabordo, pasado alas-4 ng hapon ay pauwi na ang mga estudyante galing sa Beniton Integrated  School pero naabutan ang mga ito ng pagbaha sa ilog dulot ng walang tigil na ulan.

Kita sa video na lumangoy ang ilang estudyante para makatawid. Ang iba ay kumapit sa lubid para hindi tangayin ng baha.

Matatandaan na ang Barangay Malbago sa Bontoc, Southern Leyte ay isa lang sa mga napuruhan noong manalasa ang Bagyong Tino noong 2025 at naputol ang tulay na nagdudugtong sa mga katabing barangay.

Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulan kahapon hanggang sa ngayon  sa  Samar at Leyte, Southern Leyte ay dulot ng Shear line.

Apela ngayon ng mga residente na sana masimulan na ang pagtatayo muli ng nasirang tulay.

Related Articles